Intro

"And now, Before we start the event, I want to greet a very good morning to all the students and parents who are here with us in our batch 20-- to 20-- Graduation Day--"

"WOAAAAAH!!! Happy Graduation sating lahat!!! PUTANGNA!" bigla kong sigaw. Late na nga ako, dumating pa ako ng lasing na lasing. Kaya naman nasira ang event dahil sakin. Pinalabas ako ng guard at dinala sa principal office. Graduation day pero nilabag ko ang isa sa mga rules dito sa school. Kababaeng tao ko pa man din. Pero alam niyo kung anong ginawa ko pagkatapos akong pangaralan dun sa office ng principal, edi tumawa lang naman ako. Tumawa ako ng walang katapusan. Pero kahit ganon, masakit parin! Hindi ko parin matatakpan yung sugat na nararamdaman ko.

Isa akong Ames, nanggaling ako sa mayamang angkan. At palagi namang wala ang mga magulang ko. Kahit ganon.. hindi ako yung tipo ng anak mayaman na sinasamba ng lahat. Masama daw ang ugali ko at problema ng lahat. Pasaway. Kaya lahat sumusuko sakin. Nung grad. nga namin ng highschool, napilitan lang mga teacher ko at principal ko na ipasa ako. Kaso nung malaman ng mga magulang ko ang ginawa ko nung eksaktong araw na yun, inutusan niya ang principal ng school na yun na wag akong bigyan ng certificate. Kaya uulit ako ng 4th year. At ipapasok niya ako sa school namin. Na ayaw na ayaw kong pasukan kasi palagi na nilang malalaman ang mga gagawin ko. Sakal na sakal na ako sa mga magulang ko. Pero kahit tumakas ako, mahuhuli at mahuhuli nila ako. Parang sinumpa ang pamilya ko. Ayoko na talaga ng ganitong buhay kaya nagpapakasaway ako. Gagawin ko lahat hanggang sa sumuko na ang mga magulang ko sakin at hanggang sila na mismo ang magpalaya sakin. Simula sa pagtira sa malaking bahay na yun, na wala namang laman kundi ako lamang at mga taong hindi ko kakilala. Hanggang sa mga taong tumitingin sakin ng mataas dahil sa isa akong Ames. Lahat ng yun, gusto kong takasan.

At magsisismula yun.. dito sa Retchchild Academy. Ang unang araw ko, hindi ako umattend ng klase. At kung papasok man ako, nagkacutting class ako at kung saan saan lang puno ako natutulog. Saulo ko ang school na'to. Nung bata pa ako, madalas akong dalhin ni lolo dito.

Nakakaisang linggo pa lang ako, nang may nangyari na naman sakin. Kahit nagpapakainvisible na ako sa school na yun, may iba paring nakakapansin sakin. At yung mga taong yun ay yung mga lalaking sumusubok na magconfess sakin. Na ayaw na ayaw ko pa naman sa lahat.

"Miss Anonymous.. nag-iisa ka ata?" sinundan nila ako.

Pumunta siya sa harap ko, "Kanina, di mo ako pinansin. Nagpapakipo ka lang naman diba?" may mga kasama siya. Isa dalwa. At mukhang may dalwa pa sa likod. Asar! Wala pa naman ako sa mood. Pero mabuti na lang at walang tao. Pero malapit to sa school.

Tumalikod na lang ako-- Shet! Nandyan nga pala sila. "Di ka na makakatakas. Sumama ka na kasi sakin--" umiwas ako sa paghawak niya sa braso ko. Pero masyadong mabilis ang mga pangyayari at nahawakan ako nung dalwa sa magkabila kong braso. Ngayon.. hinahawakan nung nasa harap ko yung baba ko. Na para bang.. hahalikan ako sa sobrang lapit ng mukha niya.

"Ano? Natatakot ka na ba? Okay lang.. sige na sumigaw ka. Gusto kong naririnig ang boses mo. Ang malamig mong boses." nung mas lumapit siya. Dinuraan ko siya. >:(

Adik talaga. Alam niyo imbes na magalit, nakangiti pa.

"Mas gusto ko talaga yung mga babaeng kagaya mo--" lalapit na sana siya nang--

"Ano yan!!!" sipain ko siya sa mukha!

"Aray!"

"Shit!" nagulat ako sa ginawa ko. Isang.. Isang teacher! May teacher sa harap ko. At tinakbuhan na ako nung mga gagong yun. Sheeeet! talaga!!! Teacher pa ang nasipa ko. Hala tatakbo na ako--

"IKAW!" napatigil ako.

Shet! Kahinaan ko talaga ang mga guro. Dapat sa mga oras na'to tumakbo na lang ako--

"Ikaw.." nakita niya yung mukha ko pero agad din naman akong tumakbo.

Malayo na ako sa school kaso.. may itim na sasakyan ang tumigil sa harap ko. Bigla akong nanghina. Gets ko na agad. Mukhang may nalaman na naman sila.

"ANO BA! BITAWAN NIYO NGA AKO!!!" hawak hawak ako nung mga nakaitim na tao. Dinaa naman nila ako sa sala. Nagbow sila kay mama. As expected, may kailangan na naman siya.

Pumunta ako sa kwarto ako sa kwarto at nagbihis. Dress. Pagkatapos nun, pumunta na uli ako sa sala. Hindi ako kinausap ni mama pero gets ko naman na may nalalaman siya.

"Hindi ko na talaga alam kung anong gagawin ko sayo. Alam mo yan. Kaya.. naisip ko na bigyan ka ng pansamantalagang parusa. May kakilala ako na magbabantay sayo bawat oras, kahit saan ka mang pumunta." napatayo ako ng oras.

"WALA KAYONG KARAPATANG GAWIN YAN." humarap siya sakin. Nanghina naman ang mga tuhod ko. Ang mga tingin na yan..

"Mam, nandyan na po siya." tumalikod na muli si mama. Gusto kong umiyak. Naiiyak ako kapag napapatingin si mama ng ganito sakin. Alam ko sa sarili ko ang katotohanan. Pero bakit sa totoong buhay hindi ko kayang magpakatotoo.

"Madam."

"Lana, meet your adviser, Mr. Madrigal." napatingin naman ako at..

Ngumiti siya. Kinabahan naman ako.

Hindi ko alam na yung pagtibok ng puso kong yun ang magiging dahilan ng pagbabago ko. Si Mr. Madrigal, hindi lang siya ang adviser ko. Siya ang nagbabantay at nag-aalaga sakin. Ang guro ko. Minahal ko siya. ng Sobra. Hindi ko inaakala ang lahat ng to. Oo, gaya nila mama at papa ginamit din niya ang kahinaan ko, pero kahit ganon.. hindi ko parin inaakalang mahuhulog ako sa mga patibong niya. Kahit pasaway ako at may masamang ugali. Kahit na palagi ko siyang inaaway. Hindi siya sumusuko sakin.. gaya nung una naming pagkikita hanggang ngayon.. yun parina ng turing niya sakin. Tinuturing niya ako gaya ng isang normal na babae. Hindi ko alam kung espesyal ba ako sa kanya. Pero nung unang beses na mahalikan ko siya. Palagi na lang akong humihingi ng halik sa kanya. Hinahalikan ko siya ng hindi ko man lang nalalaman kung ano bang nararamdaman niya sakin. Gustong gusto ko ang mga yakap niya, ang mga hawak niya, lalong lalo na ang mga halik niya. MAHAL NA MAHAL KO SIYA.



at mukhang natamaan ako ni kupido. And it's so stupid!